Gawing video editor mo ang Claude, Codex o Antigravity gamit ang free247editor: cuts, captions at color mula sa isang "edit this".
Simulan ang checklistTumatakbo ito sa loob ng AI mo, hindi hiwalay na app. Ilagay ang raw video sa inbox folder, sabihin ang "edit this", at babalik ang cut na may captions. Bigyan mo siya ng notes sa English, Tagalog o Taglish, gaya ng sa human editor, hanggang sabihin mong final na. Vertical 9:16 ang default para sa Reels, TikTok at Shorts; horizontal para sa YouTube kung hihingin mo.
Cuts
Tinatanggal ang dead air, hinga, false starts at retakes.
Captions
Word by word, bold key words o subtitles, sa position at kulay mo.
Hook
Malaking text sa unang 3 seconds, kung gusto mo.
Motion graphics
Animated cards, pop-up clips at overlays.
Camera
Zoom-ins at reframing na hindi natatakpan ang mukha mo.
Color
Natural, warm, cool, black and white o orange and teal.
Sound
Sound effects at music bed galing sa sarili mong files.
Natututo
Nagiging rules niya ang notes mo, sinusunod niya sa bawat edit.
Sagutin ang setup checklist sa baba para sa install steps ng AI mo.
Laptop o PC (Windows o Mac)
Hindi pwede sa phone, tablet, iPad o Chromebook.
Isang AI mula sa "Pick your AI"
Claude Pro o Max, ChatGPT (Free, Go, Plus o Pro) gamit ang Codex, o Google Antigravity, libre para sa individuals. Iisa ang editor; sa setup lang nagkakaiba ang bawat AI.
Libreng transcription
Groq key (mabilis, maganda sa Taglish) o faster-whisper sa sarili mong computer. Parehong libre.
Mga 1 GB na space
Dagdag na room para sa raw videos at renders. Kung kulang ang Node.js, Git, FFmpeg o Chrome, ini-install ito ng AI mo at magtatanong muna.
Libre ang software
free247editor ay open source (MIT). AI plan mo lang ang binabayaran mo, at sakop ng free tier ng Groq ang normal na gamit.
Na-test na
Na-test sa Windows 11 gamit ang Claude Code: setup, test render, transcription at ang cutting tools. Hindi pa na-test sa Mac. Hindi ko pa na-test ang Codex o Antigravity; pareho silang nagbabasa ng AGENTS.md at .agents/skills, kaya dapat pareho ang setup, pero kung may error, sabihin mo kung saan.